Restless Che..

>> Wednesday, March 8, 2006

Haayyy.. ang hirap talaga pag divided ang attention. Syempre super excited ako para sa wedding pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang work. Hehehe.. So sa spare time, check talaga ako ng sites for some ideas, chat kay Tin for brainstorming, email si Mon on the updates (not always, mostly usual usap lang).

Mon and I decided na DIY invitations na lang. We have to scout some beautiful papers para dun. Yung nakita kasi namin sa wedding expo last weekend, ang mamahal eh.. Pero madaming variety so we set our minds sa kung ano ang design/feel ng invitation namen. Classic with modern twist! hehehe.. So far, we have defined 6 styles (some of which ideas ni tin) but we have to trim it down to three. Gagawa na lang kami ng prototype to see kung ano talaga ang pinakamaganda.

While Tin and I are discussing the invitation design, we came up with a super bright idea! Hehehe.. Once we have finalized things, announce na lang namin. :)

Hmm, bigla ko din naisip yung souvenirs. As of now, wala pa kaming napafinalize na design ng souvenir namen. Basta hindi mawawala yung MonCheri chocolates.. Un lang! hehehe.. Kailangan na talagang maghanap ng magandang souvenir para one down, a hundred more to go!

Nagtitingin na din kame ng designer for my gown and entourage. So far, mga relatives ko saka friends ang daming nirerefer. Last Monday, nagpunta kami ni Nanay and Tita ko kina Maya. Ang bruha! Hindi daw ako nakilala hehehe.. Sya ang nagdesign at nagtahi ng mga gowns ko.. From Junior prom, high School Grad Ball, pang-abay, Debut gown to College grad ball sya ang nagtahi. Hehehe.. pero tingin din naman ako ng iba. Affordable ang price nya and one advantage is since kakilala na, madaming requests ang ibinibigay nya hehehe.. Na-cut down na nga yung price ng additional na patahi if ever we will get "her" hehehe..

I need to improve my blog hehehe.. Kelangan lagyan ng konting arte heheh.. :D til then!

Read more...

My turn to post!

>> Wednesday, March 1, 2006

Hehehe...

Matagal ako hindi nakakablog! Medyo busy eh, atsaka si Che naman ang nag-a-update parati dito. Ako naman, nagpo-post na lang ako sa isa ko pang blog:

http://raabad.blogspot.com

Wala lang.. tambakan lang ng kung anu-anong info na nakukuha ko through email, newsletters, etc.

Nag-email sa akin yung Fave Cakes tungkol sa quote sa wedding cakes. Not sure kung magdadagdag pa kami eh, kasi meron ng cake dun sa Ibarra's Garden... If ever dagdag na lang... Hmmm.. Magkano kaya corkage sa cake?

Nakabalik na rin si Che nung Monday pa.. Hindi ko na nga nasundo eh, kasi ilang linggo na ako nagVL, kaya hindi na ako pinayagan. Okay lang naman.

Nagkita kami ni Che at ni Tin kahapon.. Wala sa plano. Aba! Hindi naalala ni Che na Feb 28! Kung hindi ko pa binati, hindi pa maaalala! Hmph! hehehe ;-) Okay lang naman, tampururuts lang, hehehe :-)

Nag-aaral pa ako dito para sa CCNP - BSCI (Building Scalable Cisco Internetworks). Nahihilo na nga ako eh.. Haaayyy... Kaya eto, para malibang, bagblog muna. :-) Sana pumasa ako. Pag napasa ko to, edi two down, two to go! Tapos bahala na. Haaayy... Although maganda ang compensation dito sa current work ko, parang wala akong patutunguhan, career-wise. Based lang naman sa observation at naririnig ko dito. Pero still, andun yung pag-aalinlangan ko dito eh -- particular sa officers... Saka ko na lang ikwento yun. Ayoko sumakit pa lalo ulo ko...

Pero definitely hindi muna ako aalis dito. Same with Che sa current job nya. Unless.... May dumating na opportunity na hindi mapapalampas... naku sana dumating na yun!

Kanina pa ako nag-email kay che, hindi pa rin sumasagot... Ano na kaya nangyari dun? Mukang busy ah... Punta kaya to dun sa training sa Fil-Am towers later?

O sya, next time na lang ulet....

Read more...

About This Blog

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP