Less than a month to go!!!!

>> Monday, October 23, 2006

Okay, malapit na malapit na! November 19, kasal na namin! Phew! Dami pa dapat gawin! O well. :-) Malamang, magugulat si Che at nagpost ako bigla dito after such a long long time. :-)

You can view our official wedding announcer site at http://moncheri28.weddingannouncer.com

That's all for now.. :-)

Read more...

It's been a while

>> Thursday, July 27, 2006

Haven't been blogging for a while. Dami din nmn kasing ginagawa.. Plus the wedding preparations and stuff are killing me! hehehee.. not literally nmn. :)

Read more...

Restless Che..

>> Wednesday, March 8, 2006

Haayyy.. ang hirap talaga pag divided ang attention. Syempre super excited ako para sa wedding pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang work. Hehehe.. So sa spare time, check talaga ako ng sites for some ideas, chat kay Tin for brainstorming, email si Mon on the updates (not always, mostly usual usap lang).

Mon and I decided na DIY invitations na lang. We have to scout some beautiful papers para dun. Yung nakita kasi namin sa wedding expo last weekend, ang mamahal eh.. Pero madaming variety so we set our minds sa kung ano ang design/feel ng invitation namen. Classic with modern twist! hehehe.. So far, we have defined 6 styles (some of which ideas ni tin) but we have to trim it down to three. Gagawa na lang kami ng prototype to see kung ano talaga ang pinakamaganda.

While Tin and I are discussing the invitation design, we came up with a super bright idea! Hehehe.. Once we have finalized things, announce na lang namin. :)

Hmm, bigla ko din naisip yung souvenirs. As of now, wala pa kaming napafinalize na design ng souvenir namen. Basta hindi mawawala yung MonCheri chocolates.. Un lang! hehehe.. Kailangan na talagang maghanap ng magandang souvenir para one down, a hundred more to go!

Nagtitingin na din kame ng designer for my gown and entourage. So far, mga relatives ko saka friends ang daming nirerefer. Last Monday, nagpunta kami ni Nanay and Tita ko kina Maya. Ang bruha! Hindi daw ako nakilala hehehe.. Sya ang nagdesign at nagtahi ng mga gowns ko.. From Junior prom, high School Grad Ball, pang-abay, Debut gown to College grad ball sya ang nagtahi. Hehehe.. pero tingin din naman ako ng iba. Affordable ang price nya and one advantage is since kakilala na, madaming requests ang ibinibigay nya hehehe.. Na-cut down na nga yung price ng additional na patahi if ever we will get "her" hehehe..

I need to improve my blog hehehe.. Kelangan lagyan ng konting arte heheh.. :D til then!

Read more...

My turn to post!

>> Wednesday, March 1, 2006

Hehehe...

Matagal ako hindi nakakablog! Medyo busy eh, atsaka si Che naman ang nag-a-update parati dito. Ako naman, nagpo-post na lang ako sa isa ko pang blog:

http://raabad.blogspot.com

Wala lang.. tambakan lang ng kung anu-anong info na nakukuha ko through email, newsletters, etc.

Nag-email sa akin yung Fave Cakes tungkol sa quote sa wedding cakes. Not sure kung magdadagdag pa kami eh, kasi meron ng cake dun sa Ibarra's Garden... If ever dagdag na lang... Hmmm.. Magkano kaya corkage sa cake?

Nakabalik na rin si Che nung Monday pa.. Hindi ko na nga nasundo eh, kasi ilang linggo na ako nagVL, kaya hindi na ako pinayagan. Okay lang naman.

Nagkita kami ni Che at ni Tin kahapon.. Wala sa plano. Aba! Hindi naalala ni Che na Feb 28! Kung hindi ko pa binati, hindi pa maaalala! Hmph! hehehe ;-) Okay lang naman, tampururuts lang, hehehe :-)

Nag-aaral pa ako dito para sa CCNP - BSCI (Building Scalable Cisco Internetworks). Nahihilo na nga ako eh.. Haaayyy... Kaya eto, para malibang, bagblog muna. :-) Sana pumasa ako. Pag napasa ko to, edi two down, two to go! Tapos bahala na. Haaayy... Although maganda ang compensation dito sa current work ko, parang wala akong patutunguhan, career-wise. Based lang naman sa observation at naririnig ko dito. Pero still, andun yung pag-aalinlangan ko dito eh -- particular sa officers... Saka ko na lang ikwento yun. Ayoko sumakit pa lalo ulo ko...

Pero definitely hindi muna ako aalis dito. Same with Che sa current job nya. Unless.... May dumating na opportunity na hindi mapapalampas... naku sana dumating na yun!

Kanina pa ako nag-email kay che, hindi pa rin sumasagot... Ano na kaya nangyari dun? Mukang busy ah... Punta kaya to dun sa training sa Fil-Am towers later?

O sya, next time na lang ulet....

Read more...

Friday is OT day!

>> Friday, February 24, 2006

Balita ko nagdeclare daw si Arroyo ng state of emergency at nagkakagulo na naman sila. Wala na bang bago? Naman! Can't the government just start doing their jobs para naman umasenso ang bansa natin?! Gggrrrr.... Nagpauwi na daw sa mga offices. Pero yung iba, hindi talaga katulad kina Mon. Haaaayyyy....

Here, naku... I am so proud! Ang dami naming ginawa ngayon for work! Although kaasar kasi waiting kami ng ilang days tapos biglang sabay-sabay ang dating, ang saya ko pa din ah.. Namiss ko kasi talaga ito. Yung tipong adrenaline rush dahil you have to accomplish a lot of things. Tapos ang dami pang kakausapin. Hehehehe... Na minsan hindi mo maintindihan dahil parang kinakain nila ang sinasabi nila. Hahahaha... Yun nga lang I still have to go to the office tomorrow dahil may dapat pa akong tapusin bago man lang bumalik ng Manila.

Wooohooo! I'm going home on Monday! At last.. :) Super happy ako. I need to pack my things pero sa Sunday pa pwede. Kasi whole day ako tomorrow sa office tapos sa evening, magtitreat si Sir Janric. Birthday nya tomorrow so barbeque party daw kami sa Shek-o then gimik sa JB. Huhuhu.. Sagot ni Sir yung dinner pero yung JB hindi na. Ang mahal pa naman dun, Hkd100. Oh well.. Enjoy na lang. Hehehe.. :)

Gtg! :)

Read more...

Chat.. Chat.. Chat!!!

>> Wednesday, February 22, 2006

Ang aga aga, may pumasok na palengkera sa aquarium. Ewan ko, siguro galing sya sa operations. Pagpasok sabay bato ng bag sa table eh.. Magdabog daw ba! Tapos ang lakas ng boses. Grrrrrrr.. Feeling nya, she's the only one in the room! Hai nako! Sumisikat sya sa blog ko ah.. Hahaha.. Enough of her na nga..

Nakatawag na si Tin sa distributor ng MonCheri! Kaya lang kasi for wholesale distribution talaga sila eh. Saka wala silang stock. Madami daw kinuha ang SM so if ever, puntahan namin lahat ng SM malls for MonCheri chocolates. Hehehe... Tapos, Tin had a bright idea for our souvenirs. Secret muna yung details. hehehe.. I have to check yung suppliers pagbalik ko. Thanks Tin! :D

Haayyy... As usual, rescheduled na naman ang meeting namin. Dapat 3pm yesterday, naging 10AM today and now 2 or 3PM na lang daw. *Waiting*

So ngayon anong ginagawa ko ngayon? Eto, nagbablog at nakikipag-chat hehehe.. With Tin, Tayne and Weng! Hehehe.. constant kachikahan... All about wedding talaga :D Kakatuwa.. Dami naming napag-usapan ni Tayne. At habang tmatagal ang usapan, padagdag na ng padagdag ang ideas! Kaya lang dahil forever night shift sya, nagpaalam na matulog. Nagpa-quote ako sa Ystilo kasi yung mom ng kanyang fiance is a franchise owner. Plus some more details like choir, flowers and church. Shucks! Ang dami ng ideas.. Dapat isulat na sa checklist! hahaha... Nakapagregister na ako for the wedding expo. Ni-reg ko na din si Tin, Weng and Cindy. :p

Hmmm.. Hinihingi na yung requirements namin for working visa. Nataranta ako at kailangan ng resume. Wala akong copy dito. So kinulit ko si Mon para kunin sa pc ko yung latest copy. Medyo nagkainisan pa kami, pero ok na naman. Meron pala ako sa sent items ng gmail account ko. Hehehe.. So nagpatulong na lang ako kay Mon to update it. :)

3:30 PM --> Natuloy na din ang meeting. Sa wakas! We were not surprised that the system walkthrough is not that extensive. Super saglit lang, less than 30 minutes. What we need sana is the discussion of business rules pero wala eh! Hehehe.. Oh well..

Nagawa na lang ako ng budget for our wedding. Kelangan ko pa i-send kay Mon yun for double checking. So for now, bye muna.. Discuss ng budget eh hehehe..

Read more...

Congrats to Tayne and Ferdie!

>> Tuesday, February 21, 2006

I'm so happy for my dear friend, Tayne. She and Ferdie are getting married too. Pero sa 2007 pa, pinagpipilian pa nila is January, February, June or September (As I remember). Sabi ko nga early 2007 na kasi long overdue na yang wedding nila. Hehehe.. I mean, pre-engaged na sila even before Ferdie left for Canada. Hehehe.. Sorry Tayne, ikwento daw ba sa blog eh hehehe..

Ayun, kakatuwa that we get to talk. Chika chika about how our fiance proposed. Hehehe.. Ask sya about the details of my wedding preparation, which I happily answered. Sa ngayon, nagpaplan na din sila Taynie. I am really hoping na maging maganda ang wedding namin pareho. Gusto nga daw ni Ferdie na magtanong ng maswerteng date for the wedding eh.. Ako kasi hindi na nasunod dahil no slots for December na sa Shrine eh.. Huhuhu.. But I told her na nasa kanila nmn yun eh.. Kung anong preferred date nila, ok na yun. What matters is that they will be binded by God.

Nakausap ko din si Lei (BatsWan). Hehehe.. Ang busy ko talaga hehehe.. Nabalitaan nga daw nya na ikakasal na ako. May wedding plans na din pala sila ni Access (na nasa Singapore na daw). Naku! kaka-excite dahil madami sa friends ko ang ikakasal na din. :) Sino pa kaya sa BatsWan ang ikakasal? Hmmmm...

Si Weng, pinahanap ko na din ng makeup-artist, para madaming options. Hehehe.. Mukhang mali ang budget ko.. Sana maihanap nila ako ng ok sa budget pero hindi nmn ako magmumukhang ewan hahaha... Si Tin meron na din nasabi. Friend ng mama nya. Yung Ibarra's, merong affiliated make-up artist, free yung trial make-up hehehe... Check na lang ang the best and most affordable.

Yung seatmate ko, nag-aaral ng Cantonese. Hehehe.. Share ko lang. Thank you very much means Do Je Sai. Good -> Hou. Not Good is Mm Hou. More to come.. Aaral ako ng counting kasi minsan sa Maxim's nagbibigay muna ng number sa pagclaim ng food. Para maintindihan namen.

At ngayon, binigyan nya kami ng Logic Puzzle.. And sure enough, puzzled ako! hahaha.. Pamatay! Challenging.. hehehe.... Try solving this:

--------------------------------
A murder has just happened and both the murderer and murdered is unknown. There are five candidates for the roles of victim and murderer, living in 5 houses, with 5 hobbies, 5 dogs and five cars. Below are clues that should lead you to which person got killed and which person did the murder.

As a preliminary tip: Make a drawing of the five houses.
--------------------------------

The "Who Killed Who" Murder Mystery Clues:

1. - The Motivator plays bowls on Saturday.
2. - When facing the houses, the house with the blue roof is immediately to the right of the house with the grey roof.
3. - The man in the middle house plays golf twice a week.
4. - The woman in the house with the blue roof is a hockey player.
5. - The Scientist lives in the first house, near the cheesecake shop.
6. - The person who drives a Jaguar lives next to the man with the Dalmatian.
7. - The person who lives in the house with the red roof drives a Renault.
8. - The Scientist lives in the house next to the house with the green roof.
9. - The Accountant's house has a Volkswagen parked in the driveway.
10. - The man who drives the Lexus owns a Shitzhu.
11. - The Doctor lives in the house with the brown roof.
12. - The house with the Renault in the driveway is next to the house next door to where the Doberman lives.
13. - The murderer's Poodle went missing on Sunday.
14. - The Lawyer hates dogs but loves cheesecake.
15. - The man who drives the Porsche is a keen jogger and was seen running past the victim's house just after midnight on Wednesday.
16. - The victim used to enjoy playing lacrosse on Tuesday evenings.

----------------------------------------------

Hirap no? Nasagutan nyo ba? As of this moment, hindi ko pa din ma-figure out... But I think I'm getting there. Hahaha.. Nasolve ko!!!!!! Yahoo!!! Hehehe... Gumawa-gawa pa ako ng excel file with a lot of mapping (8!) para masolve.. Wala lang.. Ka-challenge talaga.. Try nyo...

Read more...

What a Day!!!

>> Monday, February 20, 2006

Kwento lang about HongKong.. Nilipat kame ng pwesto, sa meeting room na kami.. hahah.. parang nasa aquarium kami.. kitang-kita namin ang nasa labas. In short, we are free to do a lot of things. Unang-una, nakakapagpatugtog kami ng MP3.. Bantay nga lang at baka may pumasok. Second, jabber to the max na kame.. Nung nasa labas kasi, kitang-kita ang monitor namen dahil nakatalikod kami sa mga tao. Third, daldalan kami nina Jet and Kuya Ryan at kahit magtawanan, ok lang kasi hindi nila kami naririnig..

Isa sa perks na nasa ibang bansa ka is pwede mong pag- usapan ang nasa paligid mo without the fear of being understood. Saka different races are here, so you get to feel a bit of Asia hahaha.. May Thai, Indian, Japanese at Chinese! Hehehe... Laki talaga ng advantage ng Filipinos kasi well-versed sa English. Ang pinakamahirap na yatang intindihin so far dito, yung mga Thais! hehehe..

At sa ngayon, waiting ako.. Supposedly may business requirements meeting kami kaya lang nde available yung marketing person eh.. Nyaaahh....At ngayon, mag-uuwian na happy kame kase nasetup na yung YM na magcoconnect via our server in Manila. Kewl! hehehe.. Kaya ang saya, ang ginawa ko is yung mga to-do list ko for the wedding hahaha... What a day!

Read more...

Wedding Expo! March 4 and 5!

For those who are interested in weddings, check this link:
http://www.weddingexpophil.com/event_highlights.html

:-) Promo lang.. hehehe

What: Themes and Motif's Wedding Expo
When: March 4 and 5, 2006
Where: NBC Tent

Looking forward dito, kasi at last makakasama ko si Che! :-) Yung bridal fair sa Megamall kasi nasa HK pa sya eh.. Sana meron din silang discounts. Yung sa Megamall na bridal fair, lahat sila may 10% discount kapag on-the-spot booking plus raffle ng trip to somewhere (Hong Kong din yata??)

Thanks nga pala sa Teeny Souvenirs (www.teenysouvenirs.com). Sila nagbalita sa akin tungkol dun sa Wedding Expo this March. Hindi pa kasi ako nagbook nun andun ako eh... Hehehe...

Read more...

Our Wedding: Checklist, Resources, Links, Etc.

Okay, okay, una sa lahat, eto muna yung checklist para sa wedding namin ni Che..

Church - Shrine of Jesus
Reception - Ibarra's Garden
Photo/Video - Passion Photography (Allan Boras)
Wedding Details (eto ba tawag dun?)
- Rings
- Veil
- Cord
- Arrhae
Guestlist - around 170+ so far...
Entourage - initial draft
Gowns/Barong
- Bride
- Groom
- Maid of Honor
- Best Man
- Parents
- Rest of the Entourage (Bridesmaid, Groomsmen, Veil, Cord, Coin, flower girls, etc)
Florist
- Church - (Shrine, Shrine & other, or Other)
- Entourage
- Reception - Ibarra's Garden (upgradable)
Cake (extra na lang or upgrade sa Ibarra's)
Invitations
Souvenirs (meron na sa Ibarra's Garden)
Butterflies - syempre!
Church Documents:
- Baptismal
- Confirmation
- Marriage License
Honeymoon Location
- passport (ko. hehehe)
- booking

Ayan... Medyo marami-rami pa ang aasikasuhin.. Mas mahirap nga lang kasi nasa HK pa si Che.. O sya, ipo-post ko mamaya yung ilan sa nakuha ko dun sa "Weddings and Debuts" -- bridal fair sa MegaMall last weekend (Feb 17 - 19)....

Read more...

Long time, no blog...

Hahah.. more than a year has passed... nde nmn kasi ako talaga masipag mag-blog eh hehehe.. but now, talagang itutuloy ko na for a very very good reason... Kasi Mon and I are getting married this year! Yep, this year na.. November 19. Kami din mismo nabigla ng konti kasi we planned na early 2007 sana.. But when we informed his dad of our plan, ang sinabi sa amin is huwag ng patawirin ng 2007. Kaya ayun, mabilisang plano. Memorable ang Shrine of Jesus church sa amin kaya kahit walang December slot, go pa din! hehehe..

Mahirap din lang sa part ko kasi assigned ako dito sa Hongkong for work. Buti na lang ung una, one month lang. So nakauwi pa ako ng Feb 4. I spent our 3rd year anniversary and birthday sa HK. Bumalik ako dito ng Feb 13 (ang saya di ba? nde din kame nakapag-celebrate ng Valentine's day together) but I'll be back in Manila on Feb 27. BUT!! pupunta ulit ako dito. Huhuuhu.. Ang nakakatakot pa is I don't know how long. I have to talk to my superior about this when I get back. Haayy.. buti na lang nandyan ang aking ever helpful friends na sina Tin and Weng. Etong si Tin, todo suporta talaga eh hehehe.. Umabsent pa yan nung Feb 6 just to help us canvass for the photo/video services, invitations.. Pati pag-iiisip ng motiff kasama sila. hahaha.. Si Cel, ang ever excited ko ding friend is an expectant mother kaya hindi ko muna gagambalain hahaha.. Pero isang favor lang sana.. Yung checklist na nakuha nya last year i-send sana nya sa akin hehehe... (Paging Cel...)

Mon attended the wedding expo at MegaMall last Saturday (Feb. 18). Madami daw syang nakuhang contacts. Na-excite ako nung sinabi nya sakin na meron ulet Wedding Expo this coming March 3 and 4 sa NBC Tent. Pati pag-iiisip ng motiff kasama silaPagbalik ko talaga yayakagin ko ang mga friendships na magpunta dun. Details at: http://www.weddingexpophil.com/event_highlights.html

Eto na muna for now... Will be posting other details on my next entry. babush!

Read more...

About This Blog

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP