Chat.. Chat.. Chat!!!

>> Wednesday, February 22, 2006

Ang aga aga, may pumasok na palengkera sa aquarium. Ewan ko, siguro galing sya sa operations. Pagpasok sabay bato ng bag sa table eh.. Magdabog daw ba! Tapos ang lakas ng boses. Grrrrrrr.. Feeling nya, she's the only one in the room! Hai nako! Sumisikat sya sa blog ko ah.. Hahaha.. Enough of her na nga..

Nakatawag na si Tin sa distributor ng MonCheri! Kaya lang kasi for wholesale distribution talaga sila eh. Saka wala silang stock. Madami daw kinuha ang SM so if ever, puntahan namin lahat ng SM malls for MonCheri chocolates. Hehehe... Tapos, Tin had a bright idea for our souvenirs. Secret muna yung details. hehehe.. I have to check yung suppliers pagbalik ko. Thanks Tin! :D

Haayyy... As usual, rescheduled na naman ang meeting namin. Dapat 3pm yesterday, naging 10AM today and now 2 or 3PM na lang daw. *Waiting*

So ngayon anong ginagawa ko ngayon? Eto, nagbablog at nakikipag-chat hehehe.. With Tin, Tayne and Weng! Hehehe.. constant kachikahan... All about wedding talaga :D Kakatuwa.. Dami naming napag-usapan ni Tayne. At habang tmatagal ang usapan, padagdag na ng padagdag ang ideas! Kaya lang dahil forever night shift sya, nagpaalam na matulog. Nagpa-quote ako sa Ystilo kasi yung mom ng kanyang fiance is a franchise owner. Plus some more details like choir, flowers and church. Shucks! Ang dami ng ideas.. Dapat isulat na sa checklist! hahaha... Nakapagregister na ako for the wedding expo. Ni-reg ko na din si Tin, Weng and Cindy. :p

Hmmm.. Hinihingi na yung requirements namin for working visa. Nataranta ako at kailangan ng resume. Wala akong copy dito. So kinulit ko si Mon para kunin sa pc ko yung latest copy. Medyo nagkainisan pa kami, pero ok na naman. Meron pala ako sa sent items ng gmail account ko. Hehehe.. So nagpatulong na lang ako kay Mon to update it. :)

3:30 PM --> Natuloy na din ang meeting. Sa wakas! We were not surprised that the system walkthrough is not that extensive. Super saglit lang, less than 30 minutes. What we need sana is the discussion of business rules pero wala eh! Hehehe.. Oh well..

Nagawa na lang ako ng budget for our wedding. Kelangan ko pa i-send kay Mon yun for double checking. So for now, bye muna.. Discuss ng budget eh hehehe..

0 hirit/s:

About This Blog

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP