Sa Aking Pagtanda
>> Wednesday, January 31, 2007
Magpapaka-senti lang ako. Pinadala ito ni Mommy Cel sa groups namin. Pagkabasa ko, napagtanto ko na maiksi lang ang buhay natin and dapat na nating ipadama sa mga magulang natin kung gaano natin sila nirerespeto at minamahal. READ ON.
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

Dahil sa forwarded message na yan, natuwa ako dahil nasimulan ko na na ipakita ang pagmamahal ko sa kanila. Isang malaking pagbabago nung kinasal kami ni Mon dahil napahiwalay na ako sa mga magulang ko. Buong buhay ko, kasama ko sila. Sa pagtulog katabi ko sila. Iilan lang ang kwarto sa bahay namin kaya wala talaga akong matatawag na kwarto ko. Never akong nagreklamo na wala akong kwarto pero may mga pagkakataon na nagkakabiruan kami na ang laki-laki ko na dapat nakabukod na ako ng kwarto. Pag iniisip ko ngayon, cguro nga at the back of my mind gusto ko lang talaga na katabi sila sa pagtulog.. At isa yun sa namiss ko dahil sa pagtulog mas napaparamdam ko pagmamahal sa kanila through pagyakap. Hindi kasi sila expressive kaya naiilang ako. At tama nga ang sabi nila na habang nagkaka-edad, mas nagkakailangan mag-express.
Nabanggit ko na kay Mon at sa ibang malalapit na kaibigan na after kong mahiwalay sa mga magulang ko, mas na-appreaciate ko sila. Sobra ang pagmamahal nila hindi lang sa akin kundi sa mga kapatid, hipag at pamangkin ko. Biruin mo, ginigising pa ako sa umaga at pagkababa ko mula sa kwarto mayron na akong kakainin. Na kahit nagtatrabaho na ako eh ang dami ko pa ding perks dahil nakatira ako sa mga magulang ko. At dahil don, sinabi ko sa sarili ko na mas ipapadama ko sa kanila na mahalaga sila sa akin. Unti-unti lang... at sinimulan ko na sa pamamagitan lang ng pagyakap at paghalik. Tuwang-tuwa ako na araw-araw nakakabonding ko si nanay (at si tatay minsan) kahit saglit lang. Tuwing umaga kasi, sa bahay namin ako dina-drop off ni Mon kasi out-of-the-way ang office ko sa office nya.
I know darating din ang araw na derecho ko ng masasabi sa kanila na mahal na mahal ko sila at nagpapasalamat ako sa lahat-lahat. Kelangan ko lang dalian na mafulfill yun dahil alam kong sobrang masisiyahan sila.
Kayo kelan magsstart? hehehe...
0 hirit/s:
Post a Comment