Philippines' Next Top Model

>> Wednesday, March 14, 2007

Mon and I were able to catch the first episode of Philippines' Next Top Model. A lot of them are striking but some are.. I don't know, longkats? Ansama ba? Hahaha.. AMO eh! (Di ba Tin/Cel? hahaha) Siguro kasi sa modelling world naman may certain criteria sila of choosing a model. Pero grabe, ang skinny nilang lahat.

Hindi namin gusto as an artist si Ruffa Gutierrez but we were surprised. Mas ok sya maghost than the usual na maarte masyado magsalita na bratty ang dating (at walang bukambibig kundi, GIRLLLLLL hehehe). Dito, mas professional ang dating nya. Pansin lang namin eh yung mga lines nya eh parehong-pareho sa sinasabi ni Tyra Banks especially dun sa announcement ng models na in sa next challenge. Yung banner head nila, pinalitan lang ng shots ni Ruffa at replace lang ang America's to Philippines' tapos change lang color ng images at text. Pati yung pag may na-eliminate na model (Group shots then disappear na sa picture ung eliminated). I expected lang na kahit parang franchise eh lalabas pa din ang creative juices ng mga pinoy when it comes to conceptualizing ung image ng show.

Obvious din na intimidated ang mga model-wannabes sa mga judges. Mukhang kelangan pa mag-personality development and speech class ang karamihan sa kanila kasi parang nahihiya sila to express their side pag tinatanong. Karamihan ang tipid ng sagot. Sayang kung hindi maiimprove yun. Di ko lang feel marinig pag may message si Ruffa sa models, not sure nga kung Grupo Text or Ruffa text narinig namin eh. :))

Nagshoot sila somewhere in Manila. Busy street sya eh, Rizal Avenue kasi daming vendors. At grabe, first shoot, in two-piece bikini! Nung judging time, annoying yung isang judge, Xavier something (sya nagshoot). Marami kasing ok na model for him tapos laging sabi nya, "You nailed it.", "She nailed it."... Aaaaarrrgghh... WHAT'S WITH THE NAIL ANYWAY?! Kaasar..

Yung isa pa, nung nakatayo na si Ruffa to announce those who are in, para syang librarian at ang kapal nung hawak nya. It turned out na per photo eh parang nakaframe sya ng makapal na board paper. Souvenir na yata yun. Hehehe..

Ang finale, there's this model we named Huffy. Ang ganda ng photo nya, ang ganda nya.. All praise ang natanggap nya sa judges and when Ruffa asked her how she feels, she answered something like, "You make me feel so huffy." Hahahaha.. sobrang panira talaga un. Kaya as I've said sana maimprove ang kanilang communication skills para mas okay. :p Oh well, aabangan ko pa din ang mga next episodes.

Watch Philippines' Next Top Model on RPN 9, Tuesdays at 830pm (feeling advertiser ito!)

2 hirit/s:

weng Sun Mar 18, 04:25:00 AM  

na-miss ko ang first ep..kenis! at mami-miss ko ang mga next eps dahil 2-10 na ako..hayy..

harbie Wed Mar 21, 01:10:00 AM  

i loved the American version only because of the photo shoots... pero yung "reality part", too cheesy for me. hehehe! some of them really shows the stereotyped, shallow and not-so-bright side of models eh. it's too painful to watch. *lol*

About This Blog

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP